Muling ipinakita ng Unibersidad ang kaniyang suporta sa paghihikayat sa paggamit ng wikang Filipino sa ginanap na Buwan ng Wika 2014 noong ika-28 ng Agosto, 2014 sa University Gymnasium. Inilunsad ang tagisan sa musika at pagsayaw sa temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa.”

Ito ay matagumpay na idinaos sa tulong ng Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Sining at Lenggwahe, Presidential Committee for Culture and the Arts (PCCA), at ng iba’t ibang sponsor. Ito ay dinaluhan ng presidente ng unibersidad, mga dekano at dekana, kasama ang mga guro at estudyante.