Ang mga kalahok ng Lakan at Lakambini.

Ang mga kalahok ng Lakan at Lakambini.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2014 na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa, nabigyan na ng kasagutan ang matagal nang tanong kung sino ang hihiranging Lakan at Lakambini ng Wika 2014.

Sa labing-anim na naggagandahang kandidata ng patimpalak ay nasungkit ng labing-anim na taong gulang na si Jeannie Rabanillo, representante ng Kolehiyo ng Pagtutuos at Pangangasiwa ng Negosyo ang titulong Lakambini ng Wika 2014. Samantala sa labing-tatlong makikisig na lakan ng iba’t- ibang kolehiyo, ang kinatawan ng Kolehiyo ng Pagi-Enhiniyero at Arkitektura na si Ralph Varon Perez ang pinangalanang Lakan ng Wika 2014.